Saturday, 7 January 2017

Things you should know about HMS/HWM-MS Company

Ang article na ito ay tungkol sa experience ko sa HWM Marketing Services and online research about sa company na iyon. Tawagin n'yo ako sa pangalang Nikolai. Laki ako sa probinsya, lumipat sa Maynila upang makapag aral sa pribadong paaralan. Nangarap akong magkaroon ng trabaho habang nag-aaral para matulungan ko ang aking ina at ama sa monthly financial expenses ko ngunit sa kasamaang palad, hindi ganoon ang nangyari. So ito ang aking kwento, mag-flash back tayo ng unti mga kaibigan. 

Balikan natin ang petsang ika-apat ng Enero 2017 ng gabi.

Nag-search ako online ng trabaho sa Google. Kung saan saan ako napadpad hanggang makarating ako sa Careerjet. Nakita ko "Urgent Hiring Office Staff". Aba ayos to ah, so in-click ko. Pagka-click ko na link ako sa ibang site. Itong site na ito ay Makati.com. Doon na nakalagay lahat ng information na kelangan ko. Binasa ko yung qualifications, natuwa ako dahil pasok ako sa criteria. Nakita ko rin na ang laki ng sweldo, nakalagay Php 23,000 and above. Tapos, yung mga gustong mag-apply i-text daw si Miss Charisse Lim and i-send ko yung Name, Education Attainment, and Location. Ite-text ko na sana kagad kaso gabi kasi yun kaya sabi ko bukas na lang ng umaga tutal tapos na ang office hours. Sa pinakababa dun sa site, Yung employer na nakalagay is "HMW - Globe Telecom Company". So in search yung exact company name. Ang lumalabas puro foreign company websites atsaka yung picture & address nung building. Pilit kong sine search yung "HMS Company". Sa tingin ko wala namang mali sa company na iyon.




January 5, 2017 (Thursday)
Nag text ako kay Miss Charisse Lim 9:29 am. Sinend ko yung mga kelangan. Tapos nag-reply siya kagad. 
Before 10 am pumasok na ako ng school. Ang klase ko kasi hanggang 5:30 pm kaya wala akong panahon mag search about sa company na iyon. Meron naman akong break mga 1:00 - 2:30. Busy kasi ako search kung pano gawin ng tama yung resume. Kasi ang Human Resource manager dapat ma-capture mo yung attention niya sa resume at one glance. Dumating na ang gabi, busy ako sa research kung paano pumunta sa Mandaluyong, pag gawa ng resume at pagpapa photocopy ng mga credentials ko at valid ID. Ang nasa-isip ko lang ay yung mga nabanggit ko. Umabot ako ng 1 AM. Nag-procastinate kasi ako kaya na late ako.

January 6, 2017 (Friday)
5 AM sakto gumising ako. Kumain, naligo, nagbihis. Ni-re review ko yung duties & responsibilities ng Office Staff kasi panigurado tatanungin yun sa interview. Pati na rin resume ko binabasa ko kung ano nakasulat. 6:15 umalis na ako ng dorm. Dumating na ako sa building ng maaga. Before 8am andun na ako. Akala ko talaga sa Globe ako magtatrabaho, very confusing kasi yung company name nila. Tapos nadatnan ko may 2 applicant ang nauna saakin. Yung office nila puro table, wala yata akong nakita kahit isang computer.  Tapos napakaliit ng space. Meron isang room din dun para sa mga applicants. Pinapasok kami dun para mag exam. Napakadali nung exam. Dalwang part yun eh. Yung tipong pang college entrance exam ng USTE pero "easy" yung difficulty niya. Bale 20 items. After that, eto na, ininterview ako nung recruiter. Nagulat ako, puro personal information yung tanong. Yun pala screening lang pala yun. Sumunod, pinapasok ulit kami sa room, habang tumatagal padami ng padami yung applicant. (BTW, yung office na yun ay nasa Mandaluyong walang aircon.Electric fan lang).
Nababawasan din yung applicants after ng initial screening. May sinulat sa board yung babae, eto mga tanong:
1. Tell us something about yourself.
2. What is your first impression about our company?
3. How can you be an asset to the company?
4. What is your greatest achievement in the past?
5. Where do you see yourself in 5 years?

Sinagot ko lahat ng tanong sa low quality paper na binigay nila. Tapos tinawag ako for the second interview. Tinanong ko kung kaya ko ba. Sabi ko opo Ma'am. Tinanong sakin kung bakit gusto ko mag-part time sinagot ko para matulungan ko magulang ko sa tuition fee ko. Then binaggit niya na dun din daw sa school na pinapasukan ko nag-aaral yung HS na anak nya. Tapos in explain nya na umattend ako ng orientation. Tapos kung nakapasa daw ako sa exam (about sa orientation) ay magbabayd daw ako ng 300 pesos. Eh sabi ko 200 lang dala ako at pamasahe. Sabi nya kahit tomorrow nalang daw yung balance. Bumalik ako sa room, naghintay hanggang sa ma-kumpleto kami at natanggal na yung ibang hindi nakapasa sa initial test and interview...Nag-umpisa na ang orientation.

First part ng orientation, may pumasok na lalake. Parang bading pero nabanggit nya na may asawa siya. Maputi, may contact lens na grey. Diniscuss nya Company Profile. Ang name ng company ay "HWM Marketing Services". May isang applicant nagtanong, ano daw meaning nung "HWM", sagot nung speaker walang meaning daw yun. Binigay nya yung criteria para makapasa ka sa 2nd part ng exam. Eto criteria.

Attitude: 20%
Attendance: 20%
Knowledge: 30%
Performance: 30%
TOTAL: 100%
Ang passing rate is 85% pero kung may considerations, 80% ang minimum.

Nakakapagod mag-type. Basta eto summary ng company background nila:
Legalities: DTI, BIR, LGU
*DTI sila naka registered thus, sole proprietorship yung business nila
Owner: General Manager Isidro Noel Taol
Human Resource Manager: Ms. Susan Yamaguchi
Established on July 8, 2011
Service Providers: First Lepanto Teisho (FLT), Fildocs

PROGRAM & SERVICES:
Hospital Care Allowance & Reimbursement (HCAR Plus) 
- Hospitalization Benefits
- 100% Fixed allowance benefit/day max. of 15 days confinement
- Hospital allowance mo daw yan kapag na-confine ka. It's either sickness or accident. Minus 2 days kasi it takes 2 days for observation. For example, na confine ka for 15 days. Bale 13 days nalang, then if yung plan type mo is Executive, 1,000 x 13 = may 13,000 kang allowance. Pero ang accident walang minus 2 days kasi on the spot may nakita nang may deperensiya sayo. So, no need for observation.
Plan Type  Benefit/day    Cost
Executive    1,000           3,000
Elite             1,500           3,500
Prestige        2,000           4,000

Eto pa other benefits nila:

FREE PERSONAL ACCIDENT INSURANCE BENEFITS:
- 50k Accidental Death & Disablement
- 5k Accidental burial benefits
- 25k Unprovoked Assault/Murder
- 2.5k Accidental Medical Reimbursement

FREE DENTAL BENEFITS
- Minor: Free
- Major: up to 30% Discount

May nakalimutan ako, their slogan is "We live to serve" then the main objective of the company is to help the Filipinos to become financially independent.

After ni Sir na parang bading, pumasok ng room yung second speaker. Mataba siya, probably 5'5 in height, morena and naka red lipstick. She tackled about the available position, benefits of the employees, general duties & responsibilites, and compensation package. Eto summary:

Available position:
1. Branch Manager
2. Accnt Manager
3. Accnt Supervisor
4. Accnt Executive
5. Sales Executive

Conclusion: Teka, hindi pa ako college graduate pero yan agad position ko just in case nakapasa ako? And "Office Staff" ang inaplayan ko. 

Benefits:
1. Life-time job
2. Profit promotion
3. Bonuses & Incentives
4. Award & Recognition
5. Travel Incentive
6. Car Subsidie/Car plan

Conclusion: Aba ayos ah, may car plan sila kapag matagal na ang employee sa kompanya. Parang San Miguel Corporation lang madaming benefits.

General Duties & Responsibilities
1. Help the company in the promotion of program & services
2. Teach people, train & develop 
3. To recommend quality applicant
4. To handle mgt activities such as interviewing of applicants and clients. Assisting client including applicant, monitoring, supervising, endorsing, reporting, recording and controlling.
5. To submit report as required by the supervisory head
6. To maintain the collection, efficiency, rating
7. To conduct personal sales (optional)

Conclusion: Hindi daw kasi traditional yung mga trabaho ng employees. Meaning, hindi lang yung nasa job description mo yung trabaho mo. So, trabaho mo talaga yung trabaho nung iba. Ang inaplayan ko is Office Staff pero bakit kasama yan? Oo naintindihan ko na general yang duties & responsibilities pero unethical kasi eh. Wala sa internet na kasama yan sa gagawin tapos Office Staff pa yung position na kelangan nila. Kung gusto nila yan gawin ng empleyado nila eh dapat mag hire sila ng sales clerk at hr assistant. Very confusing yung nasa job post nila sa internet. May misunderstanding tuloy. 

Last part ng Second Orientation:
COMPENSATION PACKAGE FOR ACCOUNT SUPERVISOR (AS) & ACCOUNT EXECUTIVE (AE)
Everday Income+150-500 (Subsidy) x 12 + 1k-3520 (transpotation allowance)

For example:
AS= 500 (subsidy) x 12 = 6000+2500 (transpo allowance)= 8500 + everyday income

Conclusion: Oh see ang laki. walang experience pero yan ang sweldo mo monthly

TRAINING:
Kung nakapasa daw kami sa Second part ng exam which is yung essay, required daw kaming mag refer ng isa within the day. Meaning, dapat makapag benta daw kami ng H-CAR Allowance sa taong nagtitiwala saamin. And dapat hawak na namin yung pera pambayad.

Sumunod na nangyari, nag-exam kami. Pinatawag ako at doon ako sa labas nag-exam. Hinala ko, yung second interviee yung nag-utos na sa labas ako mag-exam. Magkaparehas kasi na school na nag-aaral yung anak niya at ako. BTW, not totally na parehas, sa ibang campus yung anak nya at ako naman ay nasa main campus. Napunta ako sa babae, pinaupo at doon nagsagot sa harapan niya. Ang sabi nya sakin, last two questions daw yung sagutan ko lang. After kong magsulat, tinanong niya sakin yung questions na nasa paper na hindi ko sinagutan. May oral test pa pala. Nasagot ko naman ng tama kaso hindi lahat kumpleto. After kong magsahot, nakita ko sinulat niya 84% yung rating ko. Sinabi niya sakin na tanggap na ako sa trabaho. Nag-congratulate siya saakin tapos nakipag hand shake pa. Ang position ko daw is Account Executive. In-explain niya sakin yung monthly allowance ko tapos may pinapirma siya sakin. Hiningi niya yung photocopy ng credentials and valid IDs ko pati na rin yung 300 pesos. Para daw sa personal insurance & ID yung 300. Edi nagbigay naman ako, pero 200 pesos lang binigay ko kasi yun lang naman talaga dala dala kong pera. Nag-thank you ako then agad na lumabas ng office. 

Hindi ko feel ang nangyari nung araw na yun. Parang may something akong nararamdam. Bukod sa mawawala yung ilang oras ko para sa pag-aaral, meron talagang bumabagabag saakin. Umuwi ako para i-kwento saaking ina nasa probinsiya yung trabahong kakatanggap ko. Pagka-uwi ako, tinawag ko siya, in-explain ko lahat nangyari. Himbis na natuwa siya, iba ang ang sagot niya. Tinanong niya saakin na legit ba yan? Safe ba yan? Sinabi ko oo, kasi habang kausap ko siya in-search ko sa DTI yung company name nila kung registered. Pero bakit wlang address?



Dun ako naalarma sa sermon ng ina. Pinagpatuloy ko yung pagse search sa internet ng HWM MARKETING SERVICES. Naalala ko sa job post online, ang company name na nakalagay ay "HMS COMPANY-GLOBE TELECOME BASED". Kaya pala wala akong negative na nakikita sa internet ay dahil iba ang company name dun sa job post tapos iba rin yung sinabing company name na binanggit sa orientation. Pero iisa lang din naman. Tapos ang sabi pa walang meaning daw yung HWM. Ano yun? Eh ang meaning nun ay Health & Wealth Management. Paraan ba nila yun para hindi namin makita yung dark sides ng company nyo? 
In search ko sa google HWM Marketing Services, nakita ko yung video ng TV Patrol na nasa youtube. Pinanood ko, meron isang employado daw sa HWM na hindi nabigay ang compensation niya. Scam daw yun then sumagot si Ms Susan Yamaguchi (HR Manager ng HWM) na legal ang business nila at kumpleto sa papel. 

Here are some other things you should remember before applying.
1.

Before you can be accepted at HWM MS, you must pay 300 pesos for insurance and company identification card. From what I remember, sagot ng company ang insurance. Kaya ka nga nagtrabaho para kumita hindi para magbayad 300 pesos para maging ganap na empleyado nila.

2. I applied as an Office staff not as an account executive. Malinaw ang sabi sa job post na office staff ang position ina-aplayan mo. Pero pagdating ko doon, ang availabe job nila ay branch manager, accnt, manager, accnt supervisor, accnt, executive, and sales executive.

3. 

No experience requirement. Lahat ng trabaho required na may experience ka. Kahit yung experience mo sa internship/OJT applicable yun.

4.Basic yung qualifications. Yung tipong qualified halos lahat tapos okay lang kahit HS graduate. 

5. Masyadong mataas yung salary na ino-offer nila na nakalagay sa job post. Eh Office Staff lang naman inaaplayan mo. 

6. Ito listahan ng mga link na naging applicant din ng HWM MS. Nakasaad din ang kanilang experience, opinion, and complaints. 
http://akosibadin.blogspot.com/2012/05/scam-ba-hwm-ms.html
http://scamornotdebate.blogspot.com/2013/03/beware-of-health-and-wealth-management.html
http://hwmmarketingservicesscam.blogspot.com/


7. MUST WATCH: HWM MS TV PATROL
https://www.youtube.com/watch?v=fsTLMUwvcBE


Guys, I advice you to do a background check before wasting your time & money like I did. Read articles about how to determine if a job offer is a scam. I can't definitely say that HWM Marketing Company is a scam since they have all the certificates and necessary papers registered at official authorities. Miss Susan Yamaguchi's statement at TV Patrol news about their legalities, might be either genuine or fake. It is in your hands to decide on your own. Thank you for reading my post.  

No comments:

Post a Comment